Monday, July 13, 2009

So FUNNY!!!

Got this email from Joe Villanueva:



BF: May ibibigay ako sayo.. pero hulaan mo muna kung ano!
GF: Sige! Clue naman...
BF: Kelangan ito ng leeg mo..
GF: Necklace?
BF: Hindi.. PANG-HILOD!


BOB: Nakakamagkano ka sa isang araw?
PULUBI: Nag-uumpisa ako 8am. Ngayon 9am na. Nakaka-80pesos na ako.
BOB: Ah, ok naman pala.. ano na mabibili mo nyan?
PULUBI: Pwede na 'tong isang Espresso Macchiato sa Starbucks!


Sa loob ng mall..
GUY:  Love, yan ang dati kong girlfriend.
GIRL:  Ang pangit pangit naman!
GUY: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko eversince..


NARS:  Doc, bakit mo tinanggihan yung pasyente?
DOC:  Alin, yung bakla?
NARS:  Opo, yung bading.  Baka sabihin namimili tayo.
DOC:  At bakit, ano naman ang iraraspa ko sa kanya?!?!


FROG:  What will my future hold?
FAIRY:  You'll meet someone who wants to know everything about you!
FROG:  Oh wow, will i meet her in a party?
FAIRY:  No, in Biology class.


Things you do not want to hear during your surgery:
"San na yung gunting na bago?  Kalawang na pala ito eh!"
"10ml? May nabuhay na ba dyan? Sabi ko 5ml lang!"
"Doc, ubos na pala ang anesthesia"
"Kanina pa bukas ang tiyan nya, nasan na yung pang-tahi?"
"Sunog! Sunog! Labas na lahat!!"


TEACHER:  Banong, kung meron akong isang pirasong karne, tapos hinati ko, ilang piraso na ito?
BANONG:  2 po mam!
TEACHER:  Kung hinati ko pa silang dalawa?
BANONG:  4 na piraso po.
TEACHER:  At kung hinati ko pa?
BANONG:  8 po!
TEACHER:  Kung hinati ko ulit?
BANONG:  16 na po!
TEACHER:  Hatiin ko pa?
BANONG:  32 po!
TEACHER:  Kung hinati ko pa ulit?
BANONG:  64 na po!
TEACHER:  E kung hahatiin ko pa ulit? at isa pa?
BANONG:  Aba, susmaryosep, mam! Giniling po, giniling na yan!!!


Isang PULUBI sa bakery...
PULUBI:  Palimos po ng cake.
TINDERA:  Aba sosyal ka! Mamamalimos ka lang, gusto mo pa, cake! Eto, pandesal!
PULUBI:  Duh? Ate?! Birthday ko kaya ngayon!


ANAK:  'tay, mag-iingat kayo sa DANKTRANK!
TATAY:  Anong danktrank?
ANAK:  yun pong track na 10 ang gulong tapos may dalang buhangin!
TATAY:  'nak, hindi DANKTRANK yon, TEN MILLER!!!


Honeymoon
BRIDE:  Kinakabahan ako! Baka di ko makaya..parang natatakot ako!
GROOM:  Kaya mo ito!  Diba dati may alaga kang ahas?
BRIDE:  Oo nga, pero takot talaga ako sa UOD!


BOY:  Wala akong kwentang anak para sa inyo!  Lahat ng ginagawa ko, mali!  Lagi nalang ako mali!  Di nyo ko mahal!
TATAY:  Nagkakamali ka anak..
BOY:  Shet!  Mali nanaman ako!!


MRS.:  Hon, am I pretty or ugly?
MR.:  Uhh, both.
MRS.:  Pano mo nasabi yan? Pwede ba yun?
MR.:  What I mean is.. you're pretty ugly!


TEACHER:  Okay class, our lesson for today is Science.  What is Science?
PEDRO:  Ako, mam! Ako, mam!
TEACHER:  O sige Pedro, ano ang science?
PEDRO:  Mam, Science is our lesson for today!


DOCTOR:  Ubo ka nga..
PATIENT:  *ubo, ubo, ubo*
DOCTOR:  Sige, ubo ka pa..
PATIENT:  *ubo, ubo, ubo, ubo*
DOCTOR:  okay.
PATIENT:  Doc ano ho sakit ko?
DOCTOR:  Ah, may ubo ka.


In a Ms. Gay Barangay Pageant, 
HOST:  How can we uplift our economy today, even if we are under economic crisis?
BAKLA:  (namumutla)  Mga bakla!! Akala ko ba, Ms. Gay ito?  Quizbee pala!!


1. Trulalu
2. Eklavu
3. Eklavu
4. Eklavu
5. Trulalu
6. Trulalu
7. Trulalu
8. Eklavu
9. Trulalu
10. Eklavu
* Batang bading, sumasagot ng True or False sa quiz.


DIVORCED FATHER:  Anak, pag-uwi mo, bigay mo itong cheque sa nanay mo.  18years old ka na, at sabihin mo, ito na ang huling cheque na makukuha mo for child support.  Tingnan mo ano magiging expression ng mukha nya.
ANAK:  Mom, sabi ni dad, eto na daw huling cheque ko, dahil 18 na ako, wala nang makukuhang child support galing sa kanya.
MOM:  Sa susunod na pagbisita mo sa kanya, pakisabi salamat sa suporta kahit hindi mo siya tatay!  Tingnan mo anong magiging expression ng mukha nya!!


BOY:  Dad, tulungan mo naman ako sa assignment ko.  Find the Least Common Denominator daw.
DAD:  Ano?  Aba'y elementary palang ako, hinahanap na nila yan.  Aba'y hanggang ngayon di pa din nakikita??!


Ano ang sabi ng centipede nung nagkita sila ng kaibigan nya?
"Ui pare!" Apir, apir, apir, apir, apir, apir, apir, apir, apir, apir, apir, apir, apir!


Bakla na basketball coach:  "Keber sa laban! Just focus!  We cannot afford to luz valdez!  Getlakin nyo yung last freethrow! Windangin nyo mga julaban, okay?  Gow for the gold, mga highest level na churva! Gow lang ng gow!!"


BOY 1:  Nakakaawa naman lola mo!
BOY 2:  Bakit naman?
BOY 1:  Nakasabay ko kasi sa simbahan kanina, ubo ng ubo! Pinagtitinginan tuloy sya ng mga tao.
BOY 2:  Papansin lang yun!
BOY 1:  Bakit naman?
BOY 2:  Bago kasi blouse nya!


Boss, unsure about his new secretary.. "If i gave you 3million pesos less 17%, how much would you take off?"
Secretary:  "Everything, sir!  Dress!  Pati bra at panty, sir!!!"


TEACHER:  Alam nyo ba na ang mga bawat butil ng kanin ay galing sa dugo't pawis ng mga magsasaka??
MGA BATA:  "Eeeeeew!!!!"


BOY:  Is this your first time?
GIRL:  (angry)  OO naman!  You guys talaga, so kulit!  Asking me the same question!  Paulit-ulit!!


Mag-syota sa motel..
BOY:  Alam mo ba ikaw ang first na dinala ko dito?
GIRL:  Whoo, bola! Sabi nila parati ka nandito e!
BOY:  Oo nga, pero ikaw lang talaga ang girl!!

No comments:

Post a Comment